
paganahin lang natin ang ating tamang timpla sa loob ng jeep ano po...okay ganito...ang issue natin ay iikot sa loob ng jeepney...
sa pagbabayad, magsabi naman ikaw ng, "paki-abot po ng bayad"; ung iba kasi bigla na lang nag-aabot ng pera sa mukha mo. Alam naman natin na common sense na un, pero mag-salita ka naman; wag naman, ika nga, "taken for granted" ang kapwa pasahero sa pakikisuyo ng bayad mo.
pangalawa, kung alam mo naman na ang kaisa-isang pakikisuyuan mo ng bayad ay nagtetext or may kausap sa phone or maraming yakap yakap na gamit, ikaw na mismo ang lumapit sa driver. malaki ka na, kaya mo ng mag-balancing-act habang umaandar ang jeep.
pangatlo, kung may malaki kang box ng ref na isasakay (exaggerated na toh), ilagay mo naman sa dulo, sa likod ng driver, at mga co-passenger, patulong naman, kahit basket pa yan ng hipon o palanggana ng isda...wag ka nga maarte, saluduhan mo na lang ang ating vendors...
pang-apat, laging magsabi ng "paki", "salamat" at "excuse me".
pang-lima, pakilakasan ang boses hah, ung moderate naman, ung hindi mabibingi ang katabi.
pang-anim, pag mag-aabot ng bayad, wag idaan ang braso sa gitna ng cellphone at sa natetext na may ari ng cellphone...naku siguradong mag-eeclipse ang paningin nya sayo...wag ganun, bad un...mag sabi ka muna ng "excuse me".
pang-pito, alam namin na tig 40K ang cellphone mo, wag mo naman i-display na madudukot na ng mandurukot, kasi kami ang natatakot sayo eh, concerned lang naman kaming mga co-passengers mo (sarcastic na to...wink!)
pang-walo, paupuin po natin ang ating mga beloved elderly or pregnant women malapit sa hulihan ng jeep, pra hindi na sila mahirapan... "o, dedma pa o, hindi pa yan uurong o..."
marami pang iba, kung may gusto kayong idagdag, nasasa-loob nyo...express nyo lang dito...wag kayong pasaway sa loob ng jeep hah, malaki na kayo, alam myo na yan...